The Final Countdown

Wednesday, October 13, 2010

To whom it may concern at tamaan na yung tatamaan:

Tigil-tigilan mo ko sa mga issues mo sa buhay. FYI, wala kang karapatang mag-iinarte diyan. Para ipaalala sayo, hindi ka na bata. Buti sana kung teenager ka eh, okay lang. Pero hindi eh, matanda ka na. Heck, may asawa't anak ka na. Grow-up, goddamit. Wala akong panahaong makipag emo-han sa mga taong sarili lang nila ang naririnig. Wag kang hihingi-hingi ng payo kung pagpipilitan mo rin lang naman gusto mo, na alam mong namang mali, mali, mali! Tandaan mong wala pang emo nung panahon mo, dahil noon si Kurt Cobain pa ang uso.

Sinasabi ko to sayo bilang kaibigan mo. Kahit i-delete mo na ko sa friends list mo kasi naiinis ka't nakikialam ako sa buhay mo, sasabihin ko pa rin ang sasabihin ko. Sino pa bang sasaksak sayo para magising ka kundi kaming mga 100% genuine friendships mong kakaunti lamang. Kung kinakailangan itulak kita sa bangin para maintindihan mo ang sinasabi ko, itutulak kita sa bangin para maisaksak ko sa kokote mo na panahon na para ayusin mo ang sarili mo alang-alang man lang sa pamilya mo.

Pag dating ng araw na sinira mo ng husto ang buhay mo (wag naman po sana), wag na wag kang magkamaling sumbatan akong iniwan rin kita, gaya ng iba diyan na sinampal yung kamay ko nung tinutulungan ko. Tandaan mong may limitasyon ang pasensiya ko at himala nang malaki na tumagal ito ng ganito. Pero last draw na ito. Kapag hindi mo inayos yan ngayon, ayaw ko na. Bahala ka na sa sarili mo. Maghanap ka ng ibang magagago mo. Kahit sumulat ka pa ng 500 words or more, single space, Arial 12 na essay para i-add kita ulit sa friends list ko, ayaw ko na. That's it. Final answer! Period. No erase. Padlock. Nilunok ko na yung susi.

Kaibigang umaasang mahismasmasan ka,
Euri

PS: I-ti-tweet ko lang sana ito, kaso sa sobrang galit ko, napahaba. XD

3 comments

  1. i really know what you feel.
    cos i'm dealing with a certain someone like that, too.
    hirap lang kasi kadugo ko... but you shouted out words inside me.
    if that person could read this, too... maybe matatamaan din sya.

    ps: i have my writing blog now http://momentsofnil.com , sharing with my sisters.

    ReplyDelete
  2. Ah, I know that blog. I stumbled upon that blog before. I'm pretty good at stalking online. Haha! x3

    ReplyDelete
  3. If there were a Facebook Like button in your last sentences, I would've clicked it a lot. :D

    Sadya lang na may hangganan ang pasensya ng lahat... Sana nga e mamulat na siya.

    ReplyDelete

Latest on Beyond Eternal

Latest on Pixel TCG

Latest on TPP

Please Donate!

Contact Form

Name

Email *

Message *