Kwentong Taxi: Pulis
Friday, January 22, 2010Medyo interesante ang nasakyang kong taxi driver. Nung nakaraang linggo ito, papuntang Pasig mula Makati ang ruta namin ni kuya kaya medyo napakwento siya. Nagsimula yung aming kwentuhan nung may nakita kaming sasakyan na hindi sumusunod sa batas trapiko.
Driver: Iba talaga dito sa atin. Ang mga tao, hindi marunong sumunod sa batas trapiko. Tapos, itong mga pulis naman, nasusuhulan ng pera, kaya yung mga tao, lalong hindi na sumusunod sa batas trapiko kasi nasusuhulan naman yung mga pulis.
Euri: Oo nga po.
Driver: Karamihan ng mga pulis, nababayaran ng pera. Basta may pera ka, walang batas-batas trapiko. Hindi tulad sa ibang bansa. Karamihan ng mga pulis, nababayaran ng pera. Basta may pera ka, walang batas-batas trapiko. Hindi tulad sa ibang bansa.
Driver: Totoo yan. Naranasan ko yan mismo nung nagtrabaho ako sa abroad ng 10 taon. Ibang-iba talaga dito sa atin. Ang mga pulis eh talaga naman mga buwaya. Nung nagtrabaho ako sa abroad 10 taon, nakaipon akong pambili ng bahay at lupa, kaya medyo matagal bago nasundan yung 2 kong anak ng 2 pa ulit. Yung bahay na napag ipunan ko, tinitirahan namin at pinapaupahan ko yung isa. Pagkatapos, yung kinikita ko dito sa taxi, sa pang araw-araw na gastusin naman napupunta. Kita mo, napapag-aral ko yung 4 kong anak.
Euri: Ilang taon na po ba yung mga anak niyo?
Driver: Ah, yung 2 nagtatrabaho na. Yung 2 naman nasa hayskul pa.
Euri: Bakit niyo naman po naisipang magtrabaho sa ibang bansa? Hindi po ba mahirap?
Driver: Sa totoo lang, mahirap. Pero kailangan eh. At isa pa, nagtago kais ako sa ibang bansa eh. Alam mo kasi, dati akong pulis. Criminology graduate ako, tapos nag pulis ako.
Euri: Ay, ganun po? Eh bakit po tumigil kayo sa pagpupulis?
Driver: Hindi ko na kasi masikmura eh. Kaya nagresign nalang ako, bago pa masunog kaluluwa ko sa impiyerno. Alam mo kasi, nung pulis pa ako, may na raid kaming base ng droga. May nakumpiska kaming 10 kilong shabu. Tapos pagbalik dun sa estasyon, nagkaron ng usap-usapan. Sanabihan ako nung superior namin na 2 kilo na lang yung irereport na nahuli, tapos itatabi na yung 8 kilo. Paghahati-hatian na lang daw namin. Lahat sila sumangayon, ako lang yun hindi. Hindi naman pwedeng hindi ka sumangayon sa gusto nila, papatayin ka ng mga kabaro mo. Pero dahil may prinsipyo ako at hindi ko masikmura yung gusto nila, nagreisgn ako. Pagkatapos, nag-abroad ako para magtago. Bumalik na lang ako nun katapos ng 10 taon.
Euri: Ay, sabagay po, kung hindi kayo mangingibang bansa, mapapatay kayo dito.
Driver: Oo, talagang papatayin ako ng mga kabaro ko. Isipin mo yung laking pera nung 8 kilong shabu na yun. Nung bumalik ako, nag taxi na lang ako. Di bale nang ganito, nakakaraos naman ako at marangal. Eh kung itinuloy ko yung pagpupulis ko, isa narin ako sa mga bayarin. Kapag kasi nagpulis ka, hindi mo maiiwasang hindi tumanggap eh. Mismong yung pera yung lalapit sayo eh. Kapag tinanggap mo yun, magkapalit na proteksyon iyon eh. Hindi pwedeng wala. Kaya kapag nagpulis ka, kahit gaano ka pa kalinis, siguradong matutukso ka.
8 comments
Ang interesting ni Manong Driver. xD Talaga naman karamihan ng pulis ay buwaya. Tsaka diba nga sa mga nababalitaan minsan, pulis pa pumatay kesa sila magprotekta. Tsk tsk.
ReplyDeleteSo base sa payo ni Manong Taxi Driver, kung hindi mo masisikmura yung kasamaan at kabaluktutan ng sistema, mag ibang bansa ka na lang. Masubukan nga... *evilgrin*
ReplyDeleteRichard Mongler,
ReplyDeleteOo. Lalo na bang may drugs at perang involve. If you wanna live longer, get your ass as fast as you can and leave! :P
grabe din naman pala ang karanasan ni manong driver! pero nakakabilib ang prinsipyo nya sa buhay,hindii ko akalain na may ganyang tao pa pala... saludo ako kay manong driver! galing nya!
ReplyDeleteGood post. Kakatuwa naman mga taxi escapades mo. Naalala ko tuloy 'yung maniac na driver sa isa mong post. Haha.
ReplyDeleteGrabe naman 'yung tungkol sa shabu. Di ko lubos maisip na nangyayari 'yung ganun. At talagang sumasang-ayon ako na matutukso at matutukso ka talaga. Parang kagaya lang ng pulitika...
wow at least may prinsipyo si manong.
ReplyDeleteoff topic: got here from dementia's plurk. pwede pa link exchange din?
Oh, now you've went and made me all eager for the English translation! x3;
ReplyDeletetagal kong di nakabalik dito. D:
ReplyDeletegrabeh, what an interesting read. Saludo din ako kay manong driver. Nainspire ako sa kanya ^_^