Hoy, Friend!

Sunday, February 10, 2019

Hoy friend!

Kamusta ka na? Wag mo nang ipadaan sa ibang tao, oo naman, nakikita ko lahat ng posts mo. At oo, nakikita mo rin lahat ng posts ko. Di kaya kita ni block or ni-unfriend. Ano ka ba, 2019 na, pati Chinese New Year nagdaan na, plastik ka pa rin.

Feeling mo talaga pag-aaksayahan kita ng panahong i-block? Alam mo, hinding-hindi kita i-block. Kasi, una, hindi naman ako affected sa kahit anong parinig mo. Ikalawa, sayang lang ang effort kong i-block ka pa sapagkat alam ko naman na makakagawa ka pa rin ng paraan para malaman mo lahat ng pinopost ko kahit naka block ka - through your other friends na katulad mo na traitors din. Pero ang main reason talaga, kasi gusto ko na nakikita mo at nababasa mo lahat ng pinopost ko.

Bakit? Kasi sa bawat instance na nababasa mo ang mga post ko, namamatay ka sa suklam at hinanagpis. Pag naiimagine ko yung mukha mong nangagalaiti sa inis at galit, nabubuo ang araw ko. Your hate feeds my soul.

Love,
Your Frenemy

0 comments

Latest on Beyond Eternal

Latest on Pixel TCG

Latest on TPP

Please Donate!

Contact Form

Name

Email *

Message *