Despression

Monday, February 12, 2018


Dear ate sa Facebook,

Pag ikaw yung nasa sitwasyon niya, at depressed ka at that moment, hindi mo na maiisip ang humingi ng tulong, ang magdasal, ang possible magiging future mo, o ang feelings ng ibang tao.

Ang natatanging maiiwan na lang sayo, at ang tanging maiisip mo na lang ay yung nararamdaman mo - na masakit, na malungkot, na mahirap, na ewan, na hindi mo ma explain kung ano, basta ganun na parang wala at walang wala. At walang kahit anong tao, bagay, hayop, o nilalang ang makaka intindi sayo or makakapag relieve ng pakiramdam na yun.

Madalas bigla na lang dadampi sa isip mo na tapusin mo na lang kaya, para matapos na. Kasi nakakapagod na, sobrang sakit na, na parang hindi mo na kaya, na hindi na pala "parang," na hindi mo na pala talaga kaya.

Kung di mo naintindihan yung feeling o nagpapanggap ka lang na naiintihan mo yung feeling para lang maipush mo yang relihiyon mo o yang paniniwala mo, ate, wag ka na lang. Wag ka na lang mag marunong kasi nakaka offend, nakakasakit, nakakalungkot.

☹️

0 comments

Beyond Eternal

BE Pixel Gallery

Please Donate!

Ads

Contact Form

Name

Email *

Message *