Walang Pasok? Asa!

Sunday, September 06, 2009

Namatay si XXXXXXXXX! Wala raw pasok sa Lunes! Yey! Ilabyoo PGMA! Ayan, diyan niyo lang naman ma-appreciate si PGMA eh, sa tuwing walang pasok. At kawawa naman yung namatayan, mga chakang to. Napakawalang puso niyo! As if ako meron! Meganon?!

At oo! XXXXXXXXX nga ang inilagay ko. Hindi kayo nava-virus-an at puro X lang ang inyong nakikita roon. Hindi ko maalala ang pangalan niya, pasensya na. Kasi, hindi ko siya kilala. Therefore, hindi siya kasikatan. At wala na akong balak i-research pa yoon at tinatamad akesh. Whatever, yaya.

Anewei, hindi yan ang aking rant, etong susunod. Intro palang yan.

Ano na namang kaartehan itong naririnig ko? Na deads raw kamakailan lang ang isang elder ng Iglesia ni Cristo. Ayon sa story telling ng aking nakakairitang kapatid, chieftain of all chieftains pa raw itong nasabing elder na ito. At idedeklara umano na mawawalan ng pasok sa Lunes. At dahil dine, kami ng dakilang kong utol, ay muli na namang nagtalo. Inaaway ako ng aking kapatid at pilit inisiksik sa maliit kong kokote kung gaano ka-impotante ang taong ito, na hindi ko naman mapagtanto at ma-appreciate, dahil hindi ako Iglesia ni Cristo. Anuvah!

Sa aking personal at napakawalang pusong reaksyon sa pangyayaring ito, ano naman ngayon kung na chugi itong chuvacious na chieftains of all chieftains na itech? Kaimportatehan ba siya sa sankatauhan para ipagdeklarahan siya ng walang pasok? Bakit nang mamatay si Michael Jackson, may pasok? Ibig bang sabihin ay mas sikat pa siya kay Michael Jackson na ultimong dalawang taong bata ay nag-aaral mag Moon Walk? At bakit nang namatay ang Santo Papa, may pasok din? Ibig ba sabihin nito ay mas importante pa chieftain of all chieftain na ito kung ikukumpara sa Santo Papa, gayung isang Katolikong Kristianong bansa ang Pilipinas? Ang Pilipinas na ba ngayon ay nag-evolve na mula sa Katolikong Kristiano patungong Iglesia ni Cristong bansa? Ang mga politiko kaya, kailan mag-e-evolve patunong tao mula sa pagiging unggoy na patuloy na naghahasik ng katatawanan sa mga tao.

Siya nga ba o sumisipsip lang ang administration sa mga Iglesia ni Cristo at nagbabakasakaling iboboto sila sa susunod na halalan? Abangan ang mga pangayayari sa 2010!

PS:

At ang aking mga kapatid ay kasalukuyang nag paparty, dahil sa nakakawindang na balitang ito (na walang pasok).

PPS:

Para sa aking mga dakilang ka opisina, nag-send ako ng electormagnetic waves kay Zeratul at kumpirmadong may pasok, sabi daw ni Artanis! Kaya para sa inyo, walang pasok ba kamo? Asa! My life for Aire!

8 comments

  1. oo nga ang daming ka-churvahan hahaha!

    ReplyDelete
  2. Di ko rin siya kilala. Mas sikat pa si Euri dun e.

    ReplyDelete
  3. I like this post. Very true... All because of politics.

    ReplyDelete
  4. hindi ko alam kung ikaw ba yung naririnig ko sa radyo ng jeep at bus... yun tipong sisigaw na lang bigla ng..... "Alam mo ba yan???" o di kaya... "Kailangan pa bang i-memorize yan???"


    ____>

    ReplyDelete
  5. tukmol nde naman taga pinas si micheal jackstone bakit siya bibigyan ng holiday..
    saka bkt ako kasali dyan hinde naman kita inaaway ahh
    DUHHHH

    ReplyDelete
  6. Hindi ko din sya kilala, hindi kami close. Pero ang alam ko, Manalo last name nya. walang pasok kasi religious leader sya, at pagbibigay galang daw yun. ewan. kaartehan. me pasok o wala, wala naman akong pasok. buhay bum. :(

    ReplyDelete
  7. ragingstriker,
    Tukmol ka rin kasi nagmana ako sayo! Bakit nung namatay si Cardinal Sin may pasok? Aber? Wag mo sabihing hindi Pilipino si Cardinal Sin, sasampalin kita ng Biblia.

    ReplyDelete

Latest on Beyond Eternal

Latest on Pixel TCG

Latest on TPP

Please Donate!

Contact Form

Name

Email *

Message *