Kwentong Taxi: Politiko

Thursday, September 17, 2009

(English Translation: Taxi Story: Politics)

Ang kulit nung nasakyang kong taxi kaninang umaga. Gaya ng dati, i-blo-blog ko. I-plurk or twit ko na lang sana ito, kaso, medyo may kahabaan yung usapan namin. Nagsimula yung usapan namin nang madaan kami sa isang lugar kung saan may ginagawang daan. Sa may Makati ito, bandang Dasmarinas Village.



Driver: Ginagawa na naman yung daan. Nakakatrapik pa yan.

Euri: Oo nga po noh, malapit na po kasi yung eleksyon.

Driver: Ganyan naman ang mga politiko natin sa bansa. Mga buwaya.

Euri: Nga po pala, sinong pong iboboto niyo sa presidential election?

Driver: Ay, nako. Ayaw ko kay Noynoy. Mauulit lang yung nangyari nung sa nanay niya. Naalala ko pa nun, nagtali-tali pa ako ng lata sa jeep ko para lang makiisa sa EDSA. Jeepney driver pa ako nun sa may San Juan. Pagkatapos, anong nangyari, pinakawalan niya yung mga mayayamang negosyanteng pinaghuhuli ni Marcos. Dumami yung mga Intsik sa Pilipinas, nagtayo sila nang mga kung anu-anong negosyo. Mga pagawaan ng droga at kung anu-ano pa. Kitamo? Sinong mayayaman sa bansa natin? Diba silang mga Instik? Kaya lalong naghihirap ang Pilipino. Mga putang-inang mga Instik yang mga yan, pagkadami dami nila rito. (Sa aking palagay, hindi niya napagtatantong Instik din ako, pero nakakatawa kaya pinababayaan ko lang siyang ituloy ang talampati niya.) Tapos yang si Noynoy, matutulad lang yan sa nanay niya. Magpapadala lang yan sa mga alipores niya. Naku! Nung naupo so Cory, yung mga alipores niya, nakaw rito, nakaw roon. Kaya lalo tayong naghihirap. Isa pang gago yang si Erap at Fernando Poe. Nagpadala din sa mga nagtutulak sa kanilang tumakbo. Kitamo kung anong nanyari sa kanina. Sinabi na kasing wag silang tumakbo at masisira lang sila, pero tumakbo pa rin. Ayan, nasan na si Fernando Poe? Edi patay na. Yan namang si Manny Villar, akala mo lang malinis yan, ang dami daming lupa niyan sa probisya. Tatakbo lang naman yan para maprotektahan yung mga kayamanang kinamkam niya. (At nagsingit pa siya ng maraming politiko na hindi ko na maalala, kung sino-sino.)

Euri: Ah, ganun po ba... Palagay ko po, hindi uli ako boboto ngayon taon. Kayo po ba?

Driver: Hindi na rin ata ako boboto ngayon taon. Iisang politiko lang yung napupusuan ko at napapalagayan kong malinis. Si Mar Roxas. Kaso, nagpaubaya kay Noynoy eh.

Euri: Oo nga po, umurong siya di po ba.

Driver: Oo, pero sayang talaga. Siya lang ang gusto ko.

Euri: Ay, manong, dito na lang po ako sa tabi. Eto po yung bayad.

Driver: Ay, wala akong panukli, kalalabas ko lang.

Euri: Sige po, okay lang po, wag na. Salamat po!

Driver: Salamat ha!

At sabay TAKBO! Ma-le-late na ako!! XD

--

English Translation:

The taxi I rode this morning is, again, pretty interesting. Like before, I thought of blogging it. I was planning on posing it on Plurk or Twitter, but I thought the conversation was too long. The conversation started when we went pass an under construction road. This is at Makati, around Dasmarinas Village.

Driver: They're fixing the road again. It'll start traffic again.

Euri: Yeah, election is near.

Driver: Our politicians are like that. It's all money.

Euri: By the way, who're you gonna vote for the presidential election?

Driver: I don't like Noynoy. History will only repeat itself like in her mother's time. I still remember that incident. I even tied cans at my jeepney to support EDSA revolution. I was still a jeepney driver back then, in San Juan. Then what happened, she let those rich businessmen that were caught by Marcos out. Chinese people started to come and open business everywhere in the country. They manufacture drugs and other illegal stuff. See? The rich people in our country are all Chinese! That's why we, Filipinos are poor. Fuck those Chinese people! They're so many! (I don't think, he realizes that I'm also a Chinese. It's what makes it funny, so I let him continue his ranting.) Then Noynoy will be like her mother. People under him will just used him. When Cory became president, all his subordinates robs here and there. That's why we get poorer and poorer. Then Erap and Fernando Poe are stupid. They got swayed and run for presidency. You saw what happened to them. They ask them not to run because they will only ruin their name, no, they had to run. Then what happened to Fernando Poe? He died. Then this Manny Villar. You think he's all clean? He has a lot of properties in the provinces. He got them from years of service. He's just running to protect his assets that he stole. (And he started naming politicians, I can't remember anymore, one after the other, and continue to rant about them.)

Euri: Oh, really? I think I won't be voting this year. How about you?

Driver: I don't think I would vote this year too. I only like this one politician that I think is clean. It's Mar Roxas. But then, he gave way for Noynoy.

Euri: Oh, yeah, right. He did stepped down.

Driver: Yeah. It's a waste. He's the only one I liked.

Euri: Oh, mister, I'll get down here. Here's my payment.

Driver: Ah, I don't have a change. I just got out.

Euri: It's okay, thank you!

Driver: Thank you!

And I RUN! I'm running late! XD

12 comments

  1. Hanep ang translation! Translate mod in to:

    .o .o. <o. _o> _o_ o eeeee macarena AAAAH! o/

    nyahahahahah!

    ReplyDelete
  2. Oo, kasi may mga nagrereklamo na hindi nila naintindihan. I have more non-Filipino readers than Filipino ones.

    ReplyDelete
  3. LMAO. Nagse-sentimyento de asukal yung driver pero di napansin na Chinese ka. LOL!

    ReplyDelete
  4. galing ng translation. ganyan din ako sa mga readers ko. sana di ka na-late. :)

    ReplyDelete
  5. Tuna,
    Uu nga. Natatawa talaga ako kasi, mura siya ng mura. Sabi niya: "Mga putang-inang mga Instik yan," "mga gago talaga," "mga salot sa bansa," etc. pero siyempre, pigil na pigil yung tawa ko. Baka mainsulto yung pride ni manong. :P

    randell,
    As always. Haha! Hindi na kita nasasalubong sa mga running late moments ko. Lumipat ka na ba?

    ReplyDelete
  6. di pansin ni mamang driver kasi kala nya toothpick lang haha

    naku, late ka na naman!wahaha

    ReplyDelete
  7. The conversation sounded very interesting. It's cool that you managed to recall a big portion of it. Truly, it doesn't deserve to be merely tweeted.

    I haven't seen any news on TV since I came to Manila. I don't also happen to check news online so I was pretty surprised knowing that Noynoy is running and, only now, Mar gave up his candidacy for him!? The driver's insights regarding the two actors who ran for president goes pretty much the same as my parents'. It's true, no? It only ruined them. That would be the same thing for Manny, if ever.

    P.S. How much was your bill? :P

    ReplyDelete
  8. hay tama... naku... di na rin ata ako boboto lol

    ReplyDelete

Latest on Beyond Eternal

Latest on Pixel TCG

Latest on TPP

Please Donate!

Contact Form

Name

Email *

Message *