Diksyonaryong Pang Jologs

Wednesday, August 06, 2008

Share ko lang... It's funny~

--


BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito'y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing registration, lalo na sa mga GE subject gaya ng natsci, comm, socsci, etc, dahil sa sobrang siksikanng mga estudyante. Ex. "Put@#$%, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo????!!!

KUKURIKAPU - AKA "apipap". libag sa ilalim ng boobs. madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga. Ex. "Honey, maligo ka na kaya para maalis yang KUKURIKAPU mo...

MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito. Ex. "How nice naman your MULMUL!

BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis. Ex. "Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!!!

ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. available in blue, red, green, etc.

BAKOKANG - higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief dahil sa labis na pagmamahal sa suot panloob. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.

DUKIT - ito'y and amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit....try it to prove it thats DUKIT

SPONGKLONG - ito'y isang bagong wika an nangangahulugan sa isang estupidong tao. Ex. "Buti naman at bumaba na sa puwesto ang spongklong nating Presidente."

LAPONGGA - ito's kahintulad sa laplapan o kaya ay lamasan Ex. "Hoy Utoy, bakit ba ang hilig mo sa mga sineng puro lapongga lang ang palabas?"

WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito. Ex. "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila yung weneklek niya!"

BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG. Ex. "Uy Jefferson, tingnan mo si Ma'am, baktung na naman!"

BAKTI - bakat panty

ASOGUE - buhok sa kilikili

BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon

BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak

BUTUYTUY - etits ng bata

JABARR - pawis ng katawan

KALAMTUTAY - mabahong pangalan

MCARTHUR - taeng bumabalik after mong i-flush

(source: PINOY JOKES & FACTS ATBP...)

3 comments

  1. Parang schoolmate ko ang gumawa neto.

    madalas na naaamoy tuwing registration, lalo na sa mga GE subject gaya ng natsci, comm, socsci, etc, dahil sa sobrang siksikanng mga estudyante.

    Haha. xD GE subjects. Minors subjects sa UP.

    ReplyDelete
  2. Ay ganun? Usually naman mga taga-UP gumagawa ng mga ganeto. LOL!

    ReplyDelete

Latest on Beyond Eternal

Latest on Pixel TCG

Latest on TPP

Please Donate!

Contact Form

Name

Email *

Message *