Pilipino

Friday, August 17, 2007

Pilipino, alam mo ba? Minsan, hindi ko malaman kung ikaw ba ay pasaway, hindi marunong bumasa, o sadyang wala lang talagang disiplina sa sarili. Nakikita mo na nga yang "NO SMOKING" sa harap mo, sindi ka pa rin? Kung ahas lang yan, tinuklaw ka na eh. At hindi pa yun, tinagalog pa ha, "Bawal Pong Manigarilyo Dito." At ginalang ka pa, wa epek pa rin? Sa totoo lang, pare, kapal ng mukha mong magsindi sa harap pa mismo ng karatula. Sa tingin mo ba "bangis" yan inaasal mo? Itulak kaya kita sa bangil nang makita mo kung anong ang salitang bangis. At isa pa gas-gas na salitang "lupet" at kailangan mo nang magpalit ng ekspresyon. Pero kung miyembro ka ng KRP/NRS o Kapisanan ng mga Rockerzzz sa Pilipinas/National Rockerzzz Society, sige lang ang paggamit sapagkat jologs ka naman. Minsan tuloy naisip ko, paano kung nauso ang shocking pink na thong, magsusuot din kaya ang mga KRP/NRS nito?

Ah, ewan. Hindi na ako makikialam dahil wala namang kinalaman ang mga yan sa akin. Kaya kung saan ka masaya, susuportahan na lang kita. Pero wag lang ang paninigarilyo, sa tabi ko at sa harap ng karatula. Pero seryoso, kung pwede ko talagang ihampas yang karatula sa mukha mo, ginawa ko na.

21 comments

  1. Alam mo sakit talaga ng ulo 'yang mga 'yan. imagine, kahit sa public utility buses and jeepneys, may mga makukulit. Minsan nga 'yung mga driver pa mismo eh. Wa-epek talaga 'yung mga karatula. Minsan pa nga, bubugahan ka pa ng usok. Eh pano kung ang bisyo ko eh ang pagsuka, tapos susukahan ko sila, ayos kaya 'yun? :mad:

    ReplyDelete
  2. yup may mga taong ganyan. ala na taung magagwa sa kanila kung di itulak sa bangin :evil:

    ReplyDelete
  3. Hay nako. May mga tao talagang ganyan. Yung tungkol lang sa pag-ihi e. May nakalagay na na "Bawal Umihi Dito" tapos pagnadaan ka ang panghi. Di na natuto. Ang hirap kaya intindihin nun? Hay.

    Ngayon lang ako nakabasa ng Tagalog entry mo Euri. Hehe. Nakakapanibago. Nga pala, hindi ata ako makapag-subscribe? :?:

    ReplyDelete
  4. Npaka-ironic nga na kung saan pa may karatula, dun pa siogagawa ng kalokohan. Pasaway talaga.

    ReplyDelete
  5. Hay naku sinabi mo pa.. actually kahit siguro walang sign na "no smoking" ayaw ko pa din lumapit sa taong naninigarilyo kasi talagang sumasakit ang ulo ko sa usok ng yosi. isa sya sa mga trigger ng migraine ko ...

    tapos samahan mo pa ng mga pasaway na mga violators ? kaya wag na silang magtaka bakit lugmok ang Pinas kasi mismong sarili nila hindi nila kayang disiplinahin.

    ReplyDelete
  6. Hehe alam mo na ang mga pinoy ganyan talaga. sobrang tigas ng ulo. minsan nga pumapasok sa exit at lumalabas sa entrance ng mall. iba din noh? Nakakahiya nga kung minsan. lalo na pag may mga tourists.

    ReplyDelete
  7. Disiplina ang kulang sa mga Pilipinong ganyan. Oo nga, pwede nilang gawin ang kahit anong gusto nilang gawin, pero sana naman isipin nila yung ibang tao na maaapektuhan nila. Parang sila lang ang naninirahan sa bansa ah.

    ReplyDelete
  8. "bawal umihe dito"
    "bawal magtapon ng basura"
    "bawal pumarada"

    tangnang mga tao yan

    pero pag sa ibang bansa, sobrang amo... lagay kaya sa mga batas, "bawal umihe dito -- made in the USA"

    -_____-

    ReplyDelete
  9. In the Philippines, we create rules to break them. Ultimate goal ng maraming Pilipino. Tapos kapag sisitahin, nagagalit, nagrereklamo.

    ReplyDelete
  10. pinoy eh!

    pero sa totoo lang, nakakainis ang mga ganyan. kaya hindi umaasenso ang pinas eh, dahil sa mga taong ganyan :( saka yung mga taong gumagawa din ng batas... duh! anung karapatan nilang gumawa ng batas kung sila mismo hindi nila kayang sundin?

    ReplyDelete
  11. Haha. Ganyan talaga ang buhay sa Pinas. xD

    ReplyDelete
  12. It's what you call ignorance. Ewan ko ba kung bakit ganyan ang mga pinoy. It's really annoying. Isn't that smoking in public places is already prohibited and sanction can be given to violators, right? How come wa-epek? No one is following it, really.

    ReplyDelete
  13. @Christian,

    Korek ka dyan. Walang sumusunod at wala din nagpapatupad. Grabe dekorasyon na lang ang mga pulis slash mmda ngayon. Ay hindi pala dekorasyon kasi kapag mangongotong, mabibilis!!

    ReplyDelete
  14. Agreed! Ang mga Pinoy by nature pasaway. Sa time nga lang eh. :lol: But that was funny, yung "ihulog kaya kita sa bangil." =D Dapat siguro may disclaimer yung warning signs, just like you said: "No smoking... Kung hindi, may hahampas ng karatula sa mukha mo." Hehe. :grin:

    ReplyDelete
  15. kung maari lang sanang ibalik ang panahon kung saan hindi pa ako nag-yoyosi siguro hindi ko na nanainising maghanap pa ng tamang lugar.

    pagsagad sa yosi kana kasi yung tipong adik na sa yosi parang tipong naiihi ka na nyan eh sa sobrang ihing-ihi ka na talaga at purong puputok na pantog mo papayosi ka nalang kahit de mo naman ninais na mapadpad sa lugar na kung saan may karatula na bawal yung tipong napadaan ka lang dun.

    Para sa iba madaling isipin na madali mo yang maiwasan or sabihin natin nasa utak lang yan kung hindi ikaw ang nasa posisyon.

    isa pa, kung ps3 na color pink lang ang uso papatusin pa siguro kasi no choice pero kung pink na thong i dont think so rockers dont follow what's in :D

    ReplyDelete
  16. hahaha mukang ang gulo ng pinagsasabi ko oh well, pardon my ignorance...

    ReplyDelete
  17. Hahaha.

    Kung sa harap ko ginawa yan at may karatula pa na nakabandera, pagsasabihan ko talaga yung gago na yun. No if's, no but's. Hindi lang kasi ang pagiging ignorante o jologs ang usapan dito eh, kung hindi RESPETO.

    ReplyDelete
  18. Antigas ng ulo noh? marunong naman sila magbasa, likha lamang talaga na makulit sila at wlang pakialam sa mga signs and sa ibang tao. Lalo na kapag nasa jeep or bus, di man lang nila isipin yung ibang tao na nakakalanghap ng usok.

    ReplyDelete
  19. @ scart ~

    Para sa iba madaling isipin na madali mo yang maiwasan or sabihin natin nasa utak lang yan kung hindi ikaw ang nasa posisyon.

    I disagree. At some point, I would agree to the fact that it's not easy. Habits are really hard to break. And if you are addicted, it would be harder. But, mind over matter lang yan eh.

    "I think, therefore I can."

    I think I can do it. I think I can break this habit. Therefore, I can do it. And I will do it.

    Then, you can do it. But I while at it, just don't falter. Don't ever dare think, "Hindi ko kaya to." Because once you dare thinking like that, just even the slightest thought of it, you'll fall. Seriously. I've been there, done that (it's not smoking related though). I managed to do something like that. And I think, other people could also. Because humans are not really different from each other. :D

    isa pa, kung ps3 na color pink lang ang uso papatusin pa siguro kasi no choice pero kung pink na thong i dont think so rockers dont follow what's in :D

    Rockers are different from Rockerzzz. Rockerszzz are a new species of humans. They wear loose jeans, loose black shirts with skeleton blings (shiny necklaces with fake diamonds that cost for about 300 pesos each, I think?), with black bandana, and black rubber-made rings and bracelets. Their appearance are that off, Hip-hop people but they refused to be called that and prefer be called, Rockerzzz. Oh, and don't forget the m/ sign.

    Hilarious.

    @ Talamasca ~
    I have nothing against smokers. I just hate the fact that they think smoking would get them chicks and blowing in other people's faces are cool. To hell with those bastards.

    ReplyDelete
  20. hay nako.. pasaway talaga karamihan ng mga Filipino.. tsk tsk.. nakakainis talaga..

    buti na lang hindi ako kabilang sa grupo na sinasabi mo

    ReplyDelete

Latest on Beyond Eternal

Latest on Pixel TCG

Latest on TPP

Please Donate!

Contact Form

Name

Email *

Message *