Sa Jeepney Nga Naman

Thursday, March 16, 2006

Bakit ba kailangan niyong magsigawan sa loob ng pampasaherong jeepney na tila ba'y may dalawang bundok at karagatan na nakapagitan sa inyong magkaibigan? Ngunit kung hindi ninyo napapasin, magkatabi lang naman kayo. Walang humpay na halakhakan, inuulit ko, halakhakan at hindi simpleng tawanan lamang ang patuloy na bumubulabog sa iba pang mga pasahero na tila ba'y natutuliro na sa ingay ng mga tawanang akala mo'y huling tawa na iyon. Buti na lamang at bumaba kayo. Kung hindi, malamang, huling tawa niyo na nga iyon. Para sa inyong kaalaman, kayo ay nasa pampublikong lugar at wala sa inyong mga tahanan na tumatanggap sa mga ugaling kalye. Hindi ko mapagtanto kung kayo ay wala talagang pinag-aralan o sadyang wala lamang mga hiya. Kung inyong mamarapatin, nais kong inyong malaman na laking tuwa ng mga natitirang pasahero sa jeepney ating kinasasakyan, na kayo'y bumaba na.

Hay naku, sa jeepney nga naman.

20 comments

  1. Hay naku sa jeepney nga naman, marami talagang pasaway. Ang mahirap na nyan, minsan hindi marinig ng driver na pumapara ka na dahil sa sobrang ingay ng iba. Ayan tuloy, lumagpas ka ng mga limang kanto. Nagjeep ka pa. Sana naglakad ka na lang. Hehe.

    ReplyDelete
  2. hey guys we have moved :D please change our links into your page :)

    ReplyDelete
  3. hahaha minsan ganyan din kami :P pero hindi yung maraming tao ha? kasi kaming mga youth sa church... once na sumakay kami nang jeep, maghihintay kami doon sa alang nakasakay tapos pag may nakita ayun! sobra sigawan kami yung driver nga noong minsan tinawanan kami :D na share pa nga namin ang Bible tapos nag pa thank you siya hehe ang ganda nang experience na yun :D

    ReplyDelete
  4. oops naputol ung comment ko... sorry =_=;; anyways...

    XD oo nga naman =_=;; dapat batukan ung mga un eh... na-nanahimik ung mga tao sa jeepney, tapos mangbubulabog lang cla +_+ dpat pababain ung mga un >=(

    oh yeah... advance happy happy happy birthday nga pla! *Huggles* I'll make you a giftie soon and ill send it to you later =D

    ReplyDelete
  5. haha .. your side profile is so freakin funny .. i liked it when you said 'Distinguished to be the most pathetic of all life forms' !!! lol beautiful layout by the way ^_~

    ReplyDelete
  6. Eeek! Guilty ako dyan...kung kasama ko friends ko :P...
    Kaso di naman halakhakang walang humpay. ^_^/,

    ReplyDelete
  7. Ouch..Minsan my friends and I can't help but laugh in public places. And I mean LAUGH. Pero hindi naman kami yung sobra..Wala lang..Natamaan ata ako dun haha..

    ReplyDelete
  8. Naku po, I empathize with you.

    Buti sana kung private jeepney yun at ikaw ang nakikisakay, pero PUJ. Parang walang consideration sa ibang tao, tapos kapag sila ang may gusto ng katahimikan, sila nagagalit. Meron pa yung nabubunggo na nga nila yung katabi nila sa kahahalakhak, wala pa rin pake.

    ReplyDelete
  9. *wishes she could read tagalog* gahk why was I born of english blood lol :)

    ReplyDelete
  10. lagi akong may naeexperience na ganun. as if kailangan kong pakinggan ang buhay nila! pero mas malupit ang tao na sinisigawan ang sarili sa loob ng jeep. :P

    ReplyDelete
  11. when you said it was in filipino language i didn't thought it was that DEEP filipino language.. didn't understand most of it.. but it's with the jeepney thing..right?
    I used to ride in there back then.. haha felt wierd.. i dunno.. it was my first and last lol

    ReplyDelete
  12. hey guys we have moved :D please change our links into your page :)

    Done. ;)

    oh yeah? advance happy happy happy birthday nga pla! *Huggles* I?ll make you a giftie soon and ill send it to you later =D

    Oh, so sweet. :) thank you! :love:

    ReplyDelete
  13. Yeah, I've been in jeepneys with very noisy passengers. Minsan naiinis ako, minsan natutwan na lang din ^_^;; hehe depende ata sa mood..

    Musta na?

    ReplyDelete
  14. Uhm.....
    I really cant understand whats being said :(

    ReplyDelete
  15. pagbigyan mo na lang po! para sa maraming pinoy kc ang jeep ay nagiging "extension" ng isang public place. And what do you expect from a public place? syempre maingay doon. Mas weird naman ata ung pakiramdam kapag lahat kayo sobrang tahimik, pinagmamasdan ang bawat isa na parang naghihintay na may mangyaring kakaiba... hehe :)

    ReplyDelete
  16. hay naku! kabataan yan ano?..sorry! pero mas mailimit sila yung ganon eh,../ nagpapacool! feel ba eh sila hari! hay naku! /
    magandang araw

    ReplyDelete

Latest on Beyond Eternal

Latest on Pixel TCG

Latest on TPP

Please Donate!

Contact Form

Name

Email *

Message *