Friday, August 11, 2006

Panahon ng Thesis

Note: I have no intentions of whatsoever na isiwalat kung sinu-sino man ang mga taong tinutukoy ko sa entry na to. I also posted it here on LJ plus friends only, because Dean is reading my blog (she even comments) and I don't want her constantly asking me who these students are. Because of my being defensive, yes, they are students from my school.

Panahon na naman ng Thesis. Mabibigla ka na may nagtetext at tumatawag sa cellphone ko, tinatanong ang address ng bahay namin, para lang "magpatulong" sa mga thesis nila. Sa totoo lang, wala akong balak "tumulong" o sa ibang linguaheng alam ko, wala akong balak gawin ang thesis mo. At wala akong paki kahit bumagsak ka pa. Hindi na rin ako maawa sa magulang mo kahit magmakaawa pa sila at lumuhod sa harap ko. Wala rin akong paki kung sino ka man, kahit anak ka pa ni Mayor, pamangkin ni Gov, apo ni Senator. Una sa lahat, resulta yan ng pagiging iresponsable mo na hindi pumasok at magbulakbol pa. Wala kang natututunan sa eskwela? College isn't about spoon feeding. Anong feeling mo, nasa elementary ka na pati coloring materials na gagamitin mo, teacher mo pa ang nag pro-provide? Pangalawa, hindi lahat ng tao, mabibili mo sa pera mo. Alam mo kasi, mataas ang pride ko. Hindi ko naging ugaling nagpapabayad sa kahit anumang tulong na gagawin ko. Kahit nagpapaplibre, mas gusto kong akong nagbabayad. Ikatlo, thesis nga ng utol ko, hindi ko pinapakialaman, plus, tinutulugan ko, para hindi ako kulitin, ikaw pa kaya? Ikaapat, at mahaba to, may ugali akong demonyong mas gusto kong makita kang umiiyak katapos ng defense at ipaalam sa mga kaklase mo, kaibigan, magulang at kamag-anak na bumagsak ka. Para naman madama mo ang buhay estudyante. Sinabi mo pa, gustung-gusto kong makita kang halos pumutok na ang utak sa kaiisip kung pano mo gagamitin ang for loop statement diyan sa system mo na sa totoo lang, kung ginagamit mo man ang utak mo, pwede namang if-else statement na lang. Gugustuhin ko pa lalong makitang dumudugo ang ilong mo sa harap ng mga panelist dahil hindi mo masagot ang simpleng tanong na, "How did this result came to be?" Sige lang, lumipat ka ng ibang programmer. Magpagawa ka sa iba. Care ko. Tutal, mayaman naman si papa eh. Kayang kaya ka niyang buhayin, pag-aralin ng ulit-ulit. Ilang taon ka na kasi sa college? At, proud ka pa ha. Naunahan ka namin. Graduate na kami, nag-aaral ka pa. Minsan, hindi ko alam kung hindi mo talaga kaya o sadyang walang hiya ka lang at may mukha ka pang iharap sa mga tao. Natatakot tuloy ako sa magiging resulta ng transcript mo. Ilang pages kaya yan na puro 5.00?

In my opinion, sometimes we need to stop relying on people and stand on our own feet. I'm regretting the fact that I didn't accept them because I'm currently broke, jobless and I needed money. But I'm not regretting it because I'm seeing them try hard to make something out of nothing. :)

11 comments:

  1. Tama! Idol kita. Haha, sige sana mahirapan pa sila. >D

    ReplyDelete
  2. Hay naka, nakakatawa nga kung iisipin. Palibhasa kasi, mga tao sa Pilipinas mali ang priority. Yung katabi ko sa Entrep4, naasar na ako. Kapag magquiquiz kami tanong niya lagi sa akin "nagreview ka ba?. pakopya naman o!". ANo ako, machina na puedeng pagextractan ng mga sagot. Hmp.

    ReplyDelete
  3. Tama ka diyan. Panahon na din ng thesis namin ngayon, at nababadtrip ako dahil yung mga kagrupo ko walang pakialam, at pinagbibintangan pa akong dahilan ng pagka-pressure nila dahil lagi akong tanong nang tanong tungkol sa progress. Wala silang magagawa, frustrated ako dahil ngayon palang, paggawa pa lang ng proposal wala na silang binuga. PURO LANG SILA INUMAN AT PAGPAPASARAP. Hindi ba nila naisip na pagdating ng panahon na malapit na ang deadline saka sila magmamadaling gumawa, o mas posible pa ngang MAGPAGAWA na lang sila? Walanghiya talaga, tapos sisisihin pa nila akong atat gumawa at may plano pa akong palipatin ng grupo dahil ako daw yung nangungulit sa kanila? Bwisit sila, talagang lilipat ako ng grupo kahit hindi nila sabihin kasi ayokong bumagsak dahil lang sa pagiging iresponsable nila.

    Hindi naman halata na natamaan ako sa post mo, di ba? Hehe.

    ReplyDelete
  4. Kaya mo bang magsolo sa thesis or pumili ng ibang kagroup? Kung kaya, do it. It's better kaysa sa madamay ka pa. The greatest disadvantage in a group work is when members do not work! XP

    Belive me, nangyari samin yan last year when we almost failed. As in milimeter na lang. If it had not been sa fact na nagmakaawa kami sa mga panel to the point of stalking them, we had failed.

    ReplyDelete
  5. Tama yan. Dapat wag sila umasa sa iba. Sinasayang lang nila pera ng magulang nila.

    I friended you back. Love your blog design

    ReplyDelete
  6. Amen. That's really true. Tsk tsk. Though I'm guilty rin, haha, pero yung nagtatanong lang kung ano gagawin. Hindi naman ako nagpapagawa. Tama ka, dapat ma-realize ng mga estudyante na dapat marunong silang tumayo sa sarili nilang paa.

    ReplyDelete
  7. Nakapili na ako ng ibang group. Thank goodness understanding naman ang prof ko.

    Nakoh sana wag namang mangyari samin ang ganun. Malapit lapit na din ang aming defense date. :O

    ReplyDelete
  8. naun ko lang nabasa ang post na 'to kxe dati banned eung site (tsaka plenstel and other sites)

    tama eung decision mo (di naman sa gaya gaya ako ng comment)..
    tas naun medyo nagcocooperate na eung grupm8s ko.. tatlo na nga lang kmi eh.. dati naisipan ko na mag-solo at iwan sila kaya lang di kya ng konsensya ko.. aahhaha!!

    sana magtuloy-tuloy ang pagiging masipag nila.

    ahahaha//

    ReplyDelete

 

Beyond Eternal

BE Pixel Gallery Updates

Contact Form

Name

Email *

Message *

Etc